pburboard

Monday, March 21, 2011

From: Clifford Ralph

Einstein's Name*:Clifford Ralph
Email-Add:im_cliffordralph@yahoo.com
Subject*:Tungkol sa Pedronian Bullitin
I want to say*:I am 3rd year college habang binabasa ko to. At nakakatuwang isipin na nakagawa pala ako ng ganitong site. haha. Lalo ko lang napatunayan na ang saya pala ng buhay natin noon, Einsteins. Puro tawa tapos sama-sama nating hinaharap ang bawat problema...

I just want to say sorry sa lahat ng mga taong tingin ko ay nasaktan sa iba kong mga sinulat. Pero sabi ko nga noon, this articles wouldn't be made kung hindi naman nila ito ginawa. Sorry sa mga side comments na gumatong pa sa issues na sobrang tumatak sa bawat isa. Nakakadala naman kasi ang energetic na si Cada. Binabagay ko kasi sa kanya at kay Bryan ang mga sasabihin mula sa articles na ginawa ko... Salamat sa kanila, dahil without them, hindi makakarating sa inyo ang balita at nakakatawang tsismis (kuno) na nagdudulot ng ngiti sa bawat isa. Gusto ko din magpasalamat sa inyo, Einsteins, dahil nandyan pa din kayo hanngang sa ma-issue na ang Pedronian Bullitin. Ipinaparamdam nyo pa din ang inyong suporta kahit na nasa alanganin na ang sitwasyon.

Naaalala ko, nang dahil sa Pedronina Bullitin ay nakuha ako bilang "D Writer" ng kontrobersyal na DA HU ng Ang Pedhs Ngayon. Grabe, hindi ko akalaing nandyan pa din kayo hanggang sa pagtatago ng kung sino ba talaga ang nagsulat noon. Sorry Rocel, kasi ikaw ang napagbuntunan ng lahat ng galit ng bawat department sa Pedhs. Gustung-gusto ko na talagang sabihin na "ako, ako po ang nagsulat nyan" pero dahil sa pagbabanta ng bawat tao lalo na ni Sir Angat, aba, may ikalawang kabanata pa ang DA HU. Akalain mo yun? Hanggang ngayon yata ay wala pa ding kaalam alam ang iba sa kung sino ba talaga ang mga tao sa likod ng pangalang kakatwa sa article ko. Ganun pa man,natutuwa ako dahil sa mga article na to, nakita ko na may pagbabago sa mga pinatatamaan ng mga iyon. Akala ko wala lang ang mga sinulat ko, may kahahantungan din pala...

Madam Jen, salamat po for being a mother sa Einstein. Lahat po ng mga sinasabi nyo eh aral sa amin. Di naman po namin kayo masisisi kung nagalit kayo sa section namin: magulo, parang ewan, puro kumpetisyon at lahat lahat na... naiintindihan po namin. Salamat po at ang galit ninyo ay napalitan ng pagmamalasakit at pagmamahal sa amin. Di ko nga po alam kung paano namin kayo mapasasalamatan sa lahat ng binigay at binago nyo sa amin. Thank you po.

Natatawa ako dahil ng makita ko ang site na ginawa ko dati eh bumalik lahat, kaya nga nakapagsulat ako ng ganito ngayon. Madami na nga sigurong nagbago ngayon nu? Pero sana naaalala pa din natin ang mga pagkakataon na tayo ay nagsisimula pa lamang, tulad nung high school. :]



Powered by EmailMeForm

(ó_ó) [Thank You for Coming...]